Monday, May 07, 2007

tagalog time

Summer na summer na talaga. Kahit saan ka magpunta dito sa Pinas, mainit. Pwera lang siguro sa bundok at sa mga malls at sa mga lugar na merong airconditioner. Naglalakad ako kahapon sa market, feeling ko binubuhosan ng mainit na tubig ang mga daliri sa paa ko. Grabe talaga ang init. Tumutulo ang pawis kahit saan sa katawan ko. Nagmimistula tuloy akong yelo na nalanay. (Ay ewan kung ano ang tagalog ng "lanay".)

Hwag kayong magpanik dahil nagtatagalog na ako. Hindi pa kataposan ng mundo, okei? Liliit pa ang suso ni Pamela Anderson. Aabangan pa natin yan. Nacha-challenge lang akong magtagalog. Eh paano ba naman, unang-unang entry ko sa blog na ito na tagalog, eh wrong grammar agad. And to think, eh one sentence lang yun. Sige, basahin mo yung entry ko sa baba.

Napuna ko agad yan nung merong nag-first comment sa post ko. Hindi ko na lang ini-edit. Kung mababasa yan ng mga Filipino teachers ko sa high school tsaka sa college, naku siguradong ikahihiya ako. Panu ba naman. Nung nag-first year college ako, exempted ako sa final exams namin dahil ang galing-galing ko daw magbalagtasan. At sa high school naman, ang taas ng grades ko sa Theme Writing. Tsaka yung mga literary compositions ko para sa mga school-wide contests eh mga award winning. Minsan nga nabasa ko yung isang Tagalog composition ko, hindi ako makapaniwala na ganun ako kagaling. Parang sinulat ng iba. At naman, lahat ng mga grades ko sa Filipino subjects mula elementary hanggang high school, ang tataas.

Ewan kung anong nangyari sa "Tagalog-intellect" ko. Siguro nabura sa utak ko dahil sa sobrang pagda-drugs nung college pa ako. Basta pagkatapos ng second year college, hinding-hindi ko na ginamit ang wikang ito. Kaya naman nung nagtrabaho na ako at meron kaming bagong boardmate na galing Manila panay ang iwas ko. Pano ba naman yung gago, gustong-gusto makipag-usap sa akin. Smile lang ako sa kanya tapos punta na agad ako sa kwarto. Hihintayin ko munang pumasok na rin sya sa kwarto nya bago ako lalabas ulit. Pero isang araw, hindi talaga ako naka-iwas. Nag-inuman kasi sa may terrace at nandun kami lahat. Wala akong nagawa kundi makipagkwentuhan at doon ko nalaman hindi na ako marunong magsalita ng tagalog. Gusto kong itanong sa kanya kung ilang buwan na siya dito sa Cebu. Walang ibang pumasok sa utak ko kundi, "Magkanong taon ka na dito? I mean, magkanong.... uhmmmm magkanong... uhmmm How many years have you been here in Cebu?" Syet! Pagdating ko sa office, search agad ako sa internet kung ano ang Tagalog equivalent ng "how many". Doon ko pa nalaman na "ilan" pala ang hinahanap ko na salita.

Sa office naman, merong bagong pasok. Isang project manager at isang software manager. Silang dalawa galing Manila. Magkaharap kami ng desk nung project manager at sa kasamaang palad tinawagan ako ng HR personnel. "Dong, palihug kog paari ni Emil sa HR. Naa siyay sign-an nga papers." Emil yung pangalan ng project manager. Nara-ratol kaagad ako. Pano ko ba sasabihin yun sa tagalog? "Uhmmm. Emil, ikaw ay pinapatawag sa HR." Nampucha talaga! Para akong nasa classroom. Ang sentence ko merong paksa at panaguri (subject and predicate).

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin ako makapagsalita ng maayos na tagalog. Ang laswa ko pakinggan. Ang tigas-tigas ng accent ko. At kung ilulumanay ko naman, ang slang-slang ko. Para akong banyaga. Kaya everytime na kekelanganin ng panahon, I always retort to English dahil mas mahusay at komportable ako. Bakit naman kasi Tagalog ang naging National Language natin. Eh mas marami pa atang mga Bisaya dito sa Pinas.

3 comments:

Ylan said...

test

Ylan said...

dah kay akong gipost na comment ganina dili mapost!

nawala na nuun akong momentum sa katawa sa entry.. anyways, ang nalalanay splat kay natutunaw, then ang nararatol kay nataranta... heheh...

splat said...

ylan, tagalog diay na ang tunaw? nalibog ko kay bisaya man gyud paminawon ang 'natunaw'...